Wednesday, November 03, 2004

My Sweet November

Ang bilis ng panahon,isang taon na pala ang lumipas. Ganitong buwan ng nakaraang taon ng ako ay muling ngpatuloy sa buhay ko ng isang tao. Nagtiwala, naniwala, nagpahalaga, nagmahal.

In fairness, naging masaya naman ang buhay ko na kasama sya. Makulay. Maganda. Yun nga lang di nagtagal. Parang kandila, nagbigay liwanag, pero naupos din ang mitsa.

Di lang ngayon nangyari ang ganito sa akin. Makailang ulit na rin ako nagpatuloy ng tao sa buhay ko. Mga taong inakala kong magtatagal at magmamahal ng lubos. Parang tanga lang? Hindi naman. Sadyang kailangan mo lang sumugal para makita ang taong ika nga ay itinadhana. Trial and Error kung baga.



Ang sabi nila, may 3 uri ng tao ang dumarating sa buhay natin. Kung minsan, hindi natin agad nalalaman kung ano ang importansya nila sa buhay natin. Kinakailangan muna nilang mawala para matutunan natin ang kanilang halaga. Kung minsan naman, umpisa pa lang alam na natin sa ating sarili kung bakit kelangan nating makilala ang taong ito.



     1. Ang mga taong dala ng panahon. Eto yung mga taong nakilala at nakasama natin sa isang okasyon o pagdiriwang. Nakilala sa isang party, isang bakasyon. Nandun lang sila sa panahon na yun. Pero kinabukasan wala na. Kilala din ito sa tawag na one night stand, summer love, college fling. Sila yung nagbibigay sa atin ng sobrang saya pero agad ding nawawala. Nglalahong parang bula. Sila yung nakasama nating subukan ang mga bagay sa unang pagkakataon. They let us experience the “Firsts” in our lives. Sila yung nagturo sa atin ng mga bagay na akala natin ay di natin kayang gawin. Mga taong nakasama nating tuklasin ang “the other side of us”

     2. Ang mga taong nakilala natin dahil sa isang rason o kadahilanan. Dumarating sila sa oras na nangangailangan ka ng tulong. Sa panahong akala mo ng iisa ka. Para silang mga anghel na hulog ng langit. Ang sagot sa iyong dalangin. Nandyan para mgbigay ng tulong - balikat na masasandalan. Ngunit kung minsan, kasama sa pagkawala ng problema ay ang paglaho ng mga taong ito.

     3. Ang mga taong itinakda. Sila ang iyong destiny. Ang iyong “Happily ever after…”  Sila yung dumarating pagkahaba haba man ng panahon ng inyong paghihintay. Sila yung panghabang buhay. Sila ang taong pinaglaanan mo ng lahat ng aral na natutunan mo sa buhay. Yung taong hinding hindi ka na iiwan.

Hindi natin alam kung kailan natin sila makikilala. Pwedeng ngayon, bukas, sa makalawa, Sa November o sa December. Ang importante, maging handa tayong tanggapin at kilalanin ang bawat isa sa kanila. At kung sila ay aalis, wag nating pigilan. Sa halip, palayain natin sila at isapuso ang aral na natutunan sa piling nila.


Ang bawat taong pinapatuloy natin sa buhay natin, nag iiwan ng marka. Merong permanente, meron panandalian. Ang bawat marking ito ang huhubog sa atin para maging karapatdapat sa taong itinakda sa atin.

1 comment:

Anonymous said...

My friend, i understand how you feel. Di lahat sa buhay madali! you might be dealing with some kind of challenge in life pero it doesn't mean nagiisa ka. I have my own challenges, it just manifest in different forms. But for sure you'll survive yours and I'll survive mine. Ang daling sabihin "what if i've done something different", o kaya "bakit di ko makuha ang gusto ko". I'm telling you right now my friend, di lahat pwede nating makamit, atleast at the same time. And we cannot live the rest of our lives questioning "what if" all the time. Frankly speaking, dumaan ako sa stage na ganon. "What if I have chosen a different path" di sana magkasama kame ngayon ng pinakamamahal ko. But ofcourse the fact remains in life there are always challenges, it will just take a different form. If you will notice i never call those challenges "problems". Kase i always think challenges always have solutions kaya don't despair. You have a wonderful baby in Yana, my beloved inaanak. I wish I could have my own as soon as possible, and I will be in heaven! I love you my friend. I'm longing to spend time with you soon. God speed!